
Muling nag-deploy ng mga tauhan ang Manila Police District sa bahagi ng Mendiola ngayong Linggo ng umaga.
Ayon sa MPD, dagdag seguridad lamang ito at wala namang inaasahang ganap.
Sa kabila niyan, umarangkada na ngayong pasado alas-9:00 ng umaga ang motorcade ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagsimula ito sa Quirino Grandstand at iikot patungong Kamara pabalik ng Welome Rotonda bago magtapos sa Mendiola.
Isasagawa ito bilang pagsuporta sa dating pangulo na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands na upang doon litisin.
-- ADVERTISEMENT --
Kahapon, nagkaroon ng pagtitipon ang mga tagasuporta ni Duterte sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na sa Liwasang Bonifacio.