Pinaniniwalaang maraming katao ang namatay at sugatan sa pagsabog at sunog sa isang bar sa ski resort ng Crans-Montana sa southwestern Switzerland.

Ayon sa Swiss police, 10 katao ang namatay sa insidente, subalit ayon sa ult ng local media doon, posibleng mas mataas pa ang bilang ng mga namatay.

Tumanggi naman ang tagapagsalita ng pulisya na kumpirmahin ang bilang nga mga namatay, subalit sinabi niyang marami ang ginagamot sa mga ospital sa mga tinamong paso sa kanilang mga katawan.

Nangyari ang sunog ng madaling araw sa bar na tinawag na Le Constellation.

Isinara ang nasabing lugar, at nagpatupad ang mga awtoridad ng no-fly zone.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ng pulisya na hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang nagbunsod ng nasabing insidente.

Mahigit 100 katao ang nasa bar nang mangyari ang pagsabog.

Ang Crans-Montana ay isang luxury ski resort sa rehion ng Valais, tinatayang dalawang oras ang layo mula sa kabisera ng Switzerlad na Bern.