
Maraming negosyo ng mga Pilipino sa New York ang hindi nagbukas sa gitna ng matinding winter storm, na nagdudulot ng below-freezing temperatures na nagbunsod ng pagkamatay ng limang katao.
Nagsasagawa pa lamang ng assessment ang Philippine Consulate sa New York kung may mga Pilipino na apektado ng winter storm.
Tiniyak din ng tanggapan na handa itong tumulong sa mga apektadong miyembro ng Fulipino community.
Ang mga natagpuang limang patay ay pinaniniwalaan na namatay dahil sa matinding lamig mula sa matinding winter storm, na nagbagsak ng mahigit 19 pulgada ng yelo sa Northeastern US.
Sinabi ni New York City Mayor Zohran Mamdani na hindi lang nagdadala ng yelo ang winter storm subalit napakababang temperatura.
Umaabot sa mahigit 200 million na mga residente sa 34 estado ng US ang apektado ng major winter storm.
Maraming lugar din ang nakakaranas ng power outages dahil sa malalakas na hangin, habang nananatili ang state of emergency sa mga estados na matinding apektado ng sitwasyon.
Mahigit 9,600 flights din ang kanselado kahapon dahil sa matinding winter storm.










