Ipinakita ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineer Brice Hernandez ang mga larawan na magpapatunay na may ilang mambabatas na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects, kabilang ang maraming salansan ng pera na para umano sa mga proyekto.

Sinabi ni Hernandez na kinuha ang larawan sa Bulacan 1st District Engineering office noong 2022 hanggang 2023.

Kasama sa nasabing larawan ay ang kanyang “boss” na si Alcantara.

Isa pang larawan na may maraming ring pera ang kuha sa kanilang tinawag na “tambayan,” isang pribadong bahay sa loob ng bisinidad ng kanilang tanggapan.

Ayon sa kanya, ang nasabing pera ay hindi pagmamay-ari ni Alcantara, na dadalhin umano sa project proponents.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunpaman, hindi na umano niya maalala kung kanino dinala ang mga nasabing pera.

Idinagdag pa niya na normal umano ang malalaking halaga ng pera sa kanilang DPWH office.