
Ikinulong ng mga awtoridad sa Qatar ang ilang Pinoy dahil sa pinaghihinalaang political protest kahapon.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Qatar, alam nila na may ilang Pinoy ang hinuli at ikinulong kahapon, dahil sa hindi umano otorisado na demonstrasyon sa Qatar.
Una rito, pinayuhan ng embahada ang mga Pinoy na irespeto ang mga batas sa Qatar tungkol sa mass demonstrations sa nasabing bansa.
Sinabi ng embahada na nakikipag-ugnayan na sila sa mga local authorities para sa pagbibigay ng kailangang consular assistance sa mga nasabing Pinoy.
Ang pag-aresto ay sa gitna ng sabay-sabay na rally na isinagawa ng Overseas Filipino Workers (OFW) kasabay ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa detention center ng International Criminal Court dahil sa crimes agaiant humanity.