Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang makasaysayang arbitral ruling noong 2016 ay hindi lamang tagumpay sa batas kundi para sa kapakanan, kabuhayan, at kinabukasan ng mga Pilipino, lalo na ng mga mangingisda at mga komunidad na umaasa sa yamang-dagat.

Sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award, sinabi ng Pangulo na layunin ng naturang desisyon na maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino na mangisda nang ligtas at may dignidad, gayundin ang pangangalaga sa karagatan at yamang-dagat ng bansa. Iginiit din niyang hindi maaaring isantabi ang pagsunod sa international law sa pagresolba ng mga usapin sa West Philippine Sea.

Muling tiniyak ni Marcos ang paninindigan ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa mapayapang pagresolba ng mga sigalot. Hinikayat din niya ang iba pang bansa na ipagpatuloy ang pagtatanggol sa batas internasyonal upang mapanatili ang kapayapaan, kooperasyon, at katatagan sa South China Sea.