
Nakatakdang magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Vice President Leni Robredo sa Sabado para sa implementasyon ng Oplan Kontra Baha in Naga City.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa press briefing ngayong araw na ang pagbisita ni Marcos sa Naga City ay may kaugnayan sa flood mitigation measures ng pamahalaan.
Ayon kay Castro, pinasimulan ang Oplan Kontra Baha sa Naga City, at abala ngayon ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways sa paglilinis sa mga kanal at estero sa lungsod.
Si Robredo ang kasalukuyang mayor ng Naga City.
Sinabi ni Castro na nakatakdang ang pagbisita ng Pangulo sa Pebrero 21.
Ayon sa kanya, wala siyang impormasyon kung pag-uusapan din nina Marcos at Robredo ang kanilang mga plano para sa 2028 national elections.










