Ayaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na umabot sa P60 kontra dolyar ang palitan ng piso dahil maaari nitong palakihin ang utang ng bansa, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kapag humina pa ang piso hanggang P60:$1, tiyak na tataas ang halaga ng utang ng Pilipinas dahil sa mas mahal na palitan.

Dagdag niya, inaasahan ng Pangulo ang magiging hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang matugunan ang patuloy na paghina ng lokal na pera.

Noong Enero 15, nagsara ang piso sa P59.46:$1, lampas sa naitalang dating record low.

Ayon sa mga ekonomista, naapektuhan ang piso ng inaasahang posibleng interest rate cut ng BSP, gayundin ng mga lokal at pandaigdigang salik sa ekonomiya.

-- ADVERTISEMENT --

Bagama’t may benepisyo ang mahinang piso sa OFWs, exporters, at BPO sector, maaari rin itong magdulot ng mas mataas na presyo ng imported goods at magpataas ng inflation.