Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Donald Trump sa kanyang pagkapanalo sa US presidential elections.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos na sabik na siyang makipagtrabaho kay Trump sa iba’t ibang issues na may interest ang Pilipinas at US.
Idinagdag pa ni Marcos na umaasa siya na mananatili ang alyansa ng dalawang bansa, na sinubok na ng giyera at kapayapaan, at lalo pa itong magiging malakas para sa paglago at mas matatag na pagkakaibigan sa rehion at maging sa magkabilang panig ng Pasipiko.
Pinagtibay din ni Marcos ang full commitment ng bansa sa matibay na partnership sa US, na nagsimula sa kalayaan at demokrasya, na kapwa itinataguyod ng dalawang bansa.