
Bumuo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang inter-agency organizing committee upang pangasiwaan ang paghahanda ng Pilipinas para sa Green Expo 2027 na gaganapin sa Yokohama, Japan mula Marso hanggang Setyembre 2027.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 41 na nilagdaan noong Pebrero 4, itinalaga ang Department of Agriculture bilang chair at ang Department of Tourism bilang vice chair ng Philippine Organizing Committee.
Kabilang sa mga miyembro ang Department of Foreign Affairs (DFA), the Department of Trade and Industry (DTI), the Department of Science and Technology (DOST), the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM).
Layunin ng paglahok ng bansa na maipakita ang biodiversity, sustainable agriculture, green technologies, ecotourism, at kulturang Pilipino, alinsunod sa Philippine Development Plan 2023–2028.
Inatasan din ni Marcos ang mga ahensya ng gobyerno, local government units (LGU), at pribadong sektor na suportahan ang komite para sa matagumpay na partisipasyon ng Pilipinas sa international expo.










