Ipinahayag ng Malacañang na iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng publiko na magpahayag ng saloobin, kasunod ng mga kilos-protesta laban sa umano’y katiwalian sa mga proyektong flood control ng gobyerno.

Ayon sa Palasyo, kinikilala ng Pangulo ang sentimyento ng mga mamamayan at itinuturing ito bilang bahagi ng demokratikong proseso.

Iginiit ng administrasyon na ang mga hinaing laban sa korapsyon ay lehitimong usapin na nararapat pakinggan at bigyang-pansin.

Kasabay nito, nanawagan ang Malacañang na ang mga protesta ay huwag sanang gamitin ng mga grupong may layuning pahinain ang pamahalaan o magdulot ng destabilization.

Bilang tugon sa isyu, iniutos ng Pangulo ang pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa bisa ng Executive Order No. 94 upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga flood control at iba pang proyektong imprastruktura sa nagdaang sampung taon.

-- ADVERTISEMENT --

Pinangalanan bilang mga miyembro ng komisyon sina dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson at SGV managing partner Rossana Fajardo.

Magsisilbi namang special adviser at lead investigator si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.