Inakusahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dating Pangulong Rodrigo Duterte ng pagsisinungaling kaugnay sa mga pahayag nito tungkol sa mga umano’y hindi tamang nilalaman ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Nag-react si Marcos sa mga alegasyon ni Duterte na may mga irregularidad sa 2025 budget, tulad ng mga blankong bahagi at walang nakalagay na halaga.

Bago ito, inihayag nina Duterte at Davao City Third District Representative Isidro Ungab na ang 2025 GAA ay nilagdaan nang may mga blankong bahagi, na kanilang tinawag na “invalid” at “unenforceable.”

Hinamon ni Duterte si Marcos na itama ang mga pagkakamaling ito.

Kamakailan, inakusahan din ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang dating pangulo ng pagpapakalat ng pekeng balita, na aniya’y mapanirang puri at hindi katanggap-tanggap.

-- ADVERTISEMENT --