
Nagtatag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Education Philippines o EduPhil Program para gawing mas kaakit-akit na destinasyon ang Pilipinas para sa mga international students na naghahanap ng higher education, research at training.
Sa ilalim ng Executive Order No. 124, layunin ng programa na mapadali ang pagpasok, pananatili at pag-aaral ng mga international students sa bansa sa pamamagitan ng isang coordinated na sistema ng pamahalaan.
Itinatag din ang EduPhil Task Force na magsisilbing inter-agency body para sa pagpapaunlad at pagsusulong ng international education sa Pilipinas.
Pangungunahan ng Commission on Higher Education o CHED ang pagpapatupad ng programa at magsisilbi ring secretariat ng task force.
Magkakaroon din ng EduPhil Portal para mapabilis ang mga government services para sa international students.
Nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto ang executive order noong Setyembre 8, 2026, sa ngalan ng Pangulo.










