Nag-usap sa telepono sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump nitong Huwebes hinggil sa pandaigdigang ekonomiya, seguridad, at mga pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kasunod ito ng naging pagpupulong ni Marcos at US Secretary of State Marco Rubio, kung saan ipinaalam ng Pangulo ang mga kamakailang insidente sa West Philippine Sea.

Kinumpirma rin ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton ang pag-uusap ng dalawang lider.

Sinabi ni Communications Secretary Dave Gomez na tiniyak ni Trump kay Marcos na ihaharap niya sa susunod niyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping ang mga alalahanin ng Pilipinas kaugnay ng sitwasyon sa West Philippine Sea.

Wala pang ibinigay na karagdagang detalye ang Malacañang kung kailan magaganap ang naturang pagpupulong.

-- ADVERTISEMENT --