Nakumpiska ng mga pulis ng Lumin-awa Kalinga ang marijuana na nagkakahalaga ng mahigi P2 million sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.

Nahuli ang suspect na 25 anyos na residente ng Guiguinto, Bulacan, habang sakay siya ng pampasaherong van.

Pinahinto ng mga pulis ang naturang van sa checkpoint Barangay Dangoy, Lubuagan at ng magsawa sila ng inspeksion, nakita ang mga bricks ng marijuana sa isang hiking backpack na nasa likurang upuan ng van.

Sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ng driver na nakita niyang inilagay ng suspek ang hiking backpack sa likuran ng kanyang sasakyan.

Batay sa inventory, 19 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang timbang na 19 kilos at nagkakahalaga ng P2.2 milyon ang nakuha sa van.

-- ADVERTISEMENT --