Nasermunan ni Senator Raffy Tulfo ang Maritime Industry Authority (MARINA) dahil sa pagpayag na maglayag ang passenger vessel na M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Tulfo, tinukoy ng senador ang report na mula noong 2019 ay naitala ang 32 aksidente sa mga barko ng Aleson Shipping Lines, ang kompanyang nagmamay-ari sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.

Nangangahulugan aniya na floating coffins o lumulutang na kabaong ang mga barko nito.

Punto ni Sen. Raffy, kung naging maagap lamang aniya ang MARINA at hindi nagpabaya ay wala sanang nasawi.

Nagpaliwanag si Engr. Emmanuel Carpio, OIC ng Office of the Deputy Administrator for Operations, na mayroon namang mga nasuspindeng barko ang Aleson bunsod ng mga aksidente ay depende pa sa classification subalit naguluhan dito si Tulfo kaya pinagsumite na lamang ang Aleson ng kanilang buong records at iba pang shipping lines na may mga barkong nasangkot sa aksidente.

-- ADVERTISEMENT --