
Iniimbestigahan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga posibleng paglabag sa safety protocols kaugnay ng lumubog na barko sa Basilan, kabilang ang ulat na kakulangan ng life vests at overloading.
Sinusuri rin ng ahensya ang impormasyong ang nasabing barko ay ginamit lamang bilang replacement vessel ng orihinal na sasakyang-dagat.
Aalamin kung dumaan ito sa wastong seaworthiness inspection bago pinayagang maglayag.
Layunin ng MARINA na matukoy kung may naganap na kapabayaan sa panig ng ship operator at ng mga tauhan sa pantalan.
Nagbabala ang ahensya na haharap sa pananagutan ang sinumang mapatutunayang lumabag sa mga umiiral na batas pandagat.
-- ADVERTISEMENT --










