Nagsagawa ng mga hakbang ang mga Marines Batanes upang paghandaan ang pananalasa ni Bagyong Marce.

Sa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) conference, masusing pinaghandaan ng maayos ang prepositioning ng mga relief packs.

Ang Marine Battalion Landing Team-10, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng seguridad, ay nagmobilisa din ng Disaster Response and Rescue Teams (DRRTs) na handa ding mag-deploy sakaling kailanganin.

Handang namang makipagtulungan ang mga grupong ito sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs) upang magbigay ayuda sa mga lugar sa Batanes na lubhang maapektuhan ng pagbaha at mga vulnerable na komunidad.

Nananatili ring handa ang Marines sa Batanes katuwang ang lokal na pamahalaan na, nakatuon sa pagbibigay ng humanitarian assistance at disaster relief para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Ivatan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala tulung-tulong naman ang mga residente ng Balatubat, Camiguin, Calayan sa paglilipat ng kanilang bangka sa ligtas na lugar bilang paghahanda sa bagyong Marce.

Sa latest update ng state weather bureau, ang mga baybayin, lalo na sa Cagayan Valley, Rehiyon ng Ilocos, at Cordillera, ay may mapanganib na storm surge na aabot sa 12 metro na dala ng bagyo.

Pinapayuhan din ng ahensya ang mga mangingisda at mga residente sa baybayin na mag-ingat, iwasan ang paglalayag, at sundin ang mga abiso mula sa mga lokal na opisyal.