Target ni dating world champion Mark Magsayo na makuha ang importan­teng panalo laban kay Me­xican Eduardo Ramirez sa kanilang super featherweight bout ngayong araw sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Ito ang ikalawang pagkakataon na hahataw si Magsayo sa super feather­weight division.

Nais ng PInoy champion na makuha ang panalo upang ma­kalapit sa inaa­sam na world title fight laban kay reigning World Boxing Association (WBA) champion Lamont Roach.

Lamang si Magsayo sa rankings dahil nasa ika­anim na puwesto ito sa super featherweight division kumpara kay Ramirez na wala sa Top 10 list.

Subalit hindi dapat mag­pakampante si Magsa­yo dahil pakay nitong makuha ang knockout win upang ma­paganda ang kanyang 25-2 (17 KOs) rercord.

-- ADVERTISEMENT --

Galing ang Mexican sa sixth-round knockout win laban kay Sebastian Diaz noong Agosto.