Inihayag ni Senator Mark Villar na wala siyang direkta o indirect na pagmamay-ari o controlling interest sa anomang kumpanya na gumagawa ng mga proyekto ng Department of Public Works in Highways (DPWH).
Reaksiyon ito ni Villar sa pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ginagawang imbestigasyon sa mga Villar may kaugnayan sa kabuuang P18 billion na infrastructure contracts na ini-award sa kanyang kamag-anak.
Binigyang-diin ni Villar na makukumpirma sa record na wala sa kanyang mga kamag-anak ang nakakuha ng kontrata mula 2016 hanggang 2021 nang siya pa ang kalihim ng DPWH.
Una rito, sinabi ni Remulla na iniimbestigahan ng DOJ si Villar hindi lang bilang isang mambabatas kundi bilang dating kalihim ng DPWH.
Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na posibileng imbitahan si Villar sa kanilang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa.
Sinabi ni Villar na suportado niya ang imbestigasyon ng ICI.
Kasabay nito, sinabi ni Villar na maghahain siya ng panukalang batas na magmamandato ng universal drone monitoring sa lahat ng major government projects.