TUGUEGARAO CITY-Muling magbibigay ang Commission on Human Rights(CHR)-Region 2 ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong benipisaryo na naging biktima ng Martial Law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Regional Director Jimmy Baliga ng CHR-Region 2, ibibigay ang ayuda sa ika-28 hanggang 29 ng kasalukuyang buwan sa mismong tanggapan ng CHR-Region 2.

Aniya, pangungunahan umano ni Atty. Robert Swift, ang Amerikanong abogado na humawak sa kaso ng mga nabiktima noong martial law kontra mga Marcos ang pagbibigay ng ayuda.

Kasabay nito, nagpaalala si Baliga na hindi na tumatanggap ng mga aplikante ang kanilang ahensiya dahil natapos na umano ito noong buwan ng disyembre 2017.

Sinabi ni Baliga na ang mga muling tatanggap ng tulong ay ang mga nauna nang nakatanggap ng nasabing ayuda.

-- ADVERTISEMENT --