Inilipat na sa Jakarta, Indonesia si deathrow inmte Mary Jane Veloso para simulan na ang proseso sa kanyang repatriation sa Pilipinas matapos ang 14 taon.

Ayon kay Celia Veloso, dinala ang kanyang anak sa Jakarta facility mula sa Yogjakarta kahapon.

Kaugnay nito, nakatakda sana ang pagbisita ng pamilya ni Velosos, ang kanyang abogado, at ilang opisyal ng pamahalaan kahapon sa Indonesia para bisitahin siya bago ang kanyang paglipat sa bansa.

Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega na kinansela ang biyahe dahil sa wala na umanong jail visit dahil sa inilipat na si Veloso sa Jakarta para sa kanyang repatriation.

Sa kabila nito, sinabi ni Ginang Celia na masaya pa rin sila dahil sa nakatakda nang bumalik ng bansa si Veloso, at umaasa sila na mangyayari ito bago ang Pasko.

-- ADVERTISEMENT --