Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan na mas malaking bilang ng Filipino repatriates ang dadating sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon kay Caunan, mas marami sa Pinoy repatriates ay magmumula sa Kuwait, Bahrain, Qatar at Israel.

Samantala, kinumpirma ni Caunan na 75 na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Middle East ang dadating sa bansa ngayon araw

Ang naturang OFWs ay sakay ng anim na magkakahiwalay na flights.

Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA na may sapat pang pondo ang kanilang mga tanggapan para sa pagpapauwi ng mga stranded na Pinoy.

-- ADVERTISEMENT --