Mas marami pa ring Filipinos ang hopeful o may pag-asa para sa Bagong Taon, subalit may iba ang nakakaramdam ng takot.

Ito ay batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Subalit, makikita sa survey na ang rating ngayong taon ay ang pinakamababa na naitala buhat noong 2009, habang naitala ang pinakamataas na antas ng takot sa parehong panahon.

Isinagawa ang survey mula December 12 hanggang 18, kung saan lumalabas sa survey na 90 percent ng adult Filipinos ang nagsabi na sasalubungin nila ng may pag-asa ang Bagong Taon, kung saan ito ay may pagbaba mula sa 96 percent na naitala noong 2023, at ang pinakamababa buhat sa 89 percent na naitala noong 2009.

Ang nalalabing 10 percent ng Filipinos ay nagsabing sasalubungin nila ang Bagong Taon ng may takot, mas mataas ng pitong puntos mula sa 3 percent noong 2023, at ang pinakamataas buhat sa 11 percent na naitala noong 2009.

-- ADVERTISEMENT --