Mas maraming Filipino ang naniniwala na dapat na panagutan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nangyaring extrajudicial killings na nangyari noong panahon ng kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng madugong war on drugs.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations.

Batay sa survey na isinagawa mula February 15 hanggang 19, 51% ng respondents ang nagsabi na dapat na managot si Duterte sa mga nangyaring pagpatay na may kaugnayan sa kanyang war on drugs.

Sa ibang banda, 25% ang hindi sang-ayon, 14% ang undecided, at 10% ang nagsabi na wala silang gaanong alam sa nasabing usapin.

Naitala sa Visayas ang pinakamataas na bilang ng mga Filipino na sang-ayon na dapat na mapanagot si Duterte sa 62%.

-- ADVERTISEMENT --

Sinundan ito ng Northern Luzon na 60%, Balance Luzon na 49%, Central Luzon na 48%, Mindanao na 47%, at National Capital Region na 45%, at Southern Luzon na 44%. 

Nakausap sa survey ang 1,800 respondents sa buong bansa, kung saan 300 sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon o Luzon sa labas ng Metro Manila, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.