
Mas nakararaming Pilipino o 59 percent ang naniniwalang mapapanagot sa batas ang mga nasa likod ng flood control scandal.
Batay sa pinakahuling Pulse Asia survey na ginawa nitong December 12 hanggang 15, 2025, mas mababa ito sa 71 percent sa katulad na survey noong September 2025.
13% naman ang naniniwalang makakatakas ang mga sangkot sa naturang anomalya at 28% ay hindi sigurado.
Habang 44% ang tiwala na kayang panagutin ng hustisya ang mga sangkot sa mataas na antas ng korapsyon sa bansa, 24% ang walang tiwala, at 33% abstain.
Umabot naman sa 48% ng mga Pilipino ang nagsabing walang tiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kakayanin nitong aksiyonan ang flood control scandal, mas mataas sa 45% noong Setyembre 2025 survey.
Ang survey ay ginawa na face to face interview sa 1,200 pinoy na may edad 19-anyos at pataas mula sa Luzon, Metro Manila, Visayas, at Mindanao.









