Nararamdaman umano ni Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio ang pressure ng mas mataas na expectation ng mga Pinoy fans sa kanyang pagsabak sa nalalapit na Paris Olympics.

Ayon kay Petecio, bagaman natutuwa siya sa dumaraming nagpapaabot ng pagbati sa muli niyang pagsabak sa Olympics, nakakaramdam din umano siya ng pressure dahil sa mataas na expectation ng mga ito.

Ayon kay Petecio, inaaral na niya kung paano hahawakan ang magiging mga laban sa Olympics.

Patuloy aniya ang preparasyon at training para matugunan o maabot ang mga expectations ng mga Pilipino.

Si Petecio ang unang Pilipinong boksingero na muling nakakuha ng medalya sa Olympics mula noong panahon ni Onyok Velasco.

-- ADVERTISEMENT --

Taong 1996 noong maibulsa ni Onyok ang silver medal nang sumabak siya sa Atlanta Olympics.

Sa nakalipas na Tokyo Olympics, pumasok si Petecio sa gold medal match ngunit hindi niya ito nagawang maipanalo kontra kay Japanese boxer Sena Irie.

Magsisimula ang Paris Olympics sa July 26 at magtatagal hanggang August 11, 2024.