Nakatakda nang isagawa ang mass trial ng bakuna para sa African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Agriculture Spokesperson Arnel de Mesa, maglalaan ang ahensiya ng pondo para sa isasagawa mass trial matapos ang serye ng clinical trials.
Ayon kay De Mesa, nakita sa clinical trials na epektibo ang nasabing bakuna laban sa ASF.
Sinabi pa niya na mga bakuna para sa mass trial ay mula sa Vietnam.
Umaasa si De Mesa na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagbabakuna sa buong bansa sa mga baboy laban sa ASF ay muling mapapasigla ang hog industry sa bansa.
-- ADVERTISEMENT --