Inanunsyo ng Department of Agriculture na pasisimulan na ang mass trial para sa bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Kasunod na rin ito ng pangako ni Agri Sec. Francisco Tiu-Laurel na malapit nang maging available ang bakuna kontra ASF sa bansa.

Sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa na popondohan ng kagawaran ang gagawing malawakang trial para sa ASF vaccine matapos ang serye ng clinical trials, kung saan ipinakitang epektibo ang bakuna para maprotektahan ang mga baboy laban sa sakit.

Ang mga bakunang isasalang sa mass trial ay mula sa Vietnam.

Sa sandaling magtagumpay ang mass trial ay saka umano sisimulan na rin ang commercialization ng bakuna sa Pilipinas na tina-target ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Asec. De Mesa, mahalaga ang nationwide immunization drive laban sa ASF para mapigilan ang pagkalat ng sakit sa baboy at muling mapagsigla ang hog industry sa bansa.