Bumabalangkas ang National Economic and Development Authority (NEDA) region 2 para sa pagbuo ng isang master plan ng mga proyektong pangkaunlaran na magbibigay ng pangmatagalang pag-unlad sa ekonomiya ng Cagayan..
Sinabi ni Engr Ferdinand Tumaliuan, NEDA assistant regional director na ang naturang plano ay magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga proyekto sa lungsod ng Tuguegarao at mga kalapit na bayan.
Katuwang ng NEDA ang Pacific Rim Innovation and Management Exponents Inc. at Engineering and Development Corporation of the Philippines sa isinagawang pag-aaral sa kasalukuyang estado ng bayan ng PeƱablanca, Iguig, Enrile, Solana at Tuageuagarao (PIEST)para sa mga proyektong pangkaunlaran.
Lumabas sa pag-aaral na malaki ang potensyal ng Metro Tuguegarao o PIEST area sa sektor ng agrikultura, turismo at water resource habang ang iba pa ay kailangang resolbahin ang mga isyu at hamon na kinakaharap nito.