Target tapusin ng Department of Agriculture ang pag-validate ng master list ng mga magsasaka sa Cagayan Valley hanggang sa katapusan ng Setyembre para sa Expanded Survival and Recovery Assistance for Rice Farmers o SURE Aid Program.

Ayon kay Narciso Edillio, executive director ng DA-Region 2 na sa pamamagitan ng nasabing programa, lahat ng magsasaka na naapeķtuhan ng Rice Tariffication ay maaaring makautang ng P15,000 na may zero-interest, no collateral at maaaring bayaran sa loob ng 8 taon.

Kabilang sa mga kwalipikadong mapabilang sa programa ay ang mga magsasakang mayroong isang ektaryang sakahan o mas maliit pa at miyembro ng kooperatiba na kinikilala ng Agricultural Credit Policy Council at lokalidad.

Sinumulan ng DA ang validation nitong September 18, katuwang ang Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Local Government Units.

Inaasahang sisimulan ang pautang sa katapusan ng Oktubre sa mahigit 4,000 rice farmer’s na magiging benepisaryo ng programa.

-- ADVERTISEMENT --