Tuguegarao City- Umakyat sa 61 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lungsod ng Tuguegarao

nito lamang buwan ng Agosto.

Sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na ito na ang pinakamataas na naitalang fatality rate ng lungsod mula

Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Inihayag nito na pinakamalaking porsyanto ng mga nasasawi dahil sa virus ay mula sa hanay ng mga senior

-- ADVERTISEMENT --

citizen na umaabot ng hanggang 61%, 35% ang mula sa hanay ng edad 18-59 at .2% sa edad 17 pababa.

Batay aniya sa pagsusuri, ay pangunahin pa sa nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga nagpopositibo sa

virus ay ang paglala ng kanilang mga sakit tulad ng pneumonia, accute renal failure, accute

respiratory distress syndrome at iba pa.

Sa ngayon ay umakyat na sa 213 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa Tuguegarao.

Kabilang sa mga Barangay na may mataas na casualties ay ang Ugac Sur, Ugac Norte, Linao East, Pengue

Ruyu, Carig Sur, Cattagamman Nuevo, Caritan Norte at Atulayan Norte.

Samantala, tumaas pa sa 58.92% ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa lungsod kayat patuloy ang

mabilis na transmission at pagtaas ng kaso ng COVI-19.

Ikinalungkot din ng alkalde ang mataas na swabbing positivity rate na 39% kung saan 39 sa bawat 100

individuals na nagpapa-swab ay nagpopositibo sa virus.

Dagdag pa aniya rito na apektado rin ang bilang ng mga nangangasiwang frontliners dahil sa 1, 337 na

naitalang active cases ay 150 dito ay mga healthcare workers.

Sa ngayon ay muling pinalawig ng pitong araw ang Enhanced Community Quarantine sa lungsod.