Mas mataas na multa ang nais na ipataw laban sa mga lumalabag sa tricycle ordinance sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Edillio Callueng, presidente ng Tricycle Operators and Drivers’ Association sa lungsod na nakahanda na ang kanilang position paper sa planong panukala na may layuning amyendahan ang umiiral na tricycle ordinance.
Sinabi ni Callueng na nais niyang i-adopt ang ipinatutupad na ordinansa sa lalawigan ng Ilocos kung saan umaabot nang hanggang P5,000 ang ipinapataw na multa sa mga tricycle drivers sa bawat paglabag.
Bukod dito, tanging mga tricycle drivers lamang ang pinapatawan ng parusa at hindi kasama ang operators nito.