Photo credit to: Kapulisan ng Kalinga

Tuguegarao City- Arestado ang isa sa 13 indibidwal na kinabibilangan isang mataas na opisyal ng “Innabuyog”, isang grupo ng kababaihan matapos masamsaman ng mga granada ng silbihan sila ng search warrant sa Brgy. Western Uma, Lubwagan, Kalinga.

Nahuli ng mga otoridad si Beatrice Bilin, umano’y vice chairman nasabing grupo at residente sa lugar.

Sa panayam kay PCOL Davy Vicente Limmong, Direktor ng Kalinga PNP, napag-alaman ng mga otoridad na mayroon itong itinatagong mga pampasabog at ng halughugin ang bahay ay nakuha ang tatlong riffle grenades.

Paliwanag ni Limmong, isa ang kanilang grupo sa pinaghihinalaang nagtatago ng mga armas ng mga CAFGU na niraid ng mga makakaliwang grupong tumangay sa lahat ng armas at ikinasawi ng isang sundalo noong 2018.

Sa 13 katao na sinilbihan ng search warrant ay tanging si Bilin lamang ang nakuhanan ng mga malalakas na pampasabog.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang suspek at nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA9516 o illegal possession of explosives.

Samantala, nakaalerto ngayon ang PNP Kalinga sa pagbabantay sa mga semeteryo upang matiyak na masusunod ang mga panuntunan kontra COVID-19.

Sinabi ni Limmong na nakadeploy na ang kanilang mga tauhan at mahigpit na hindi papayagan ang pagbisita sa mga puntod mula ngayong araw, Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.