Ikinababahala ngayon ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtaas ng kaso ng rape sa lambak ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng komisyon, aabot na sa 13 ang naitalang kaso ng rape sa unang quarter pa lamang ng taon at ito ay mas mataas sa 19 na kasong naitala sa buong taon ng 2022.

Ayon kay Atty. Cecilia Melad-Lazaro, Gender Base Violence Officer ng CHR Region 2, karamihan sa mga biktima ay incest rape na kinabibilangan ng mga edad 13 pababa sa sinundan ng mga teenager na edad 18 pataas.

Sa Cagayan aniya galing ang pinakamaraming kaso at nangunguna dito ang bayan ng Baggao at Penablanca sa may mataas na rape cases at batay sa talaan ng ahensya ay marami sa mga suspek ay mismong kapamilya o kadugo ng mga biktima.

Inihayag niya na isa sa nakikitang dahilan ng pagkakatukso ng mga suspek ay dahil nakatira sa iisang bahay ang biktima at ang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito ay pinaiigting ng CHR Region 2 ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DSWD upang makapagigay ng kaukulang counseling sa mga biktima at nagsasagawa rin aniya sila ng information campaign upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga residente sa komunidad kaugnay sa kaso ng panggagahasa at pang-aabuso.

Ang lahat aniya ng mga rape cases na idinudulog sa kanilang tanggapan ay agad tinutugunan ng CHR Region 2 mula sa pagsasagawa ng preliminary investigation hanggang sa pagkamit ng hustisyang nararapat para sa mga kabataang naaabuso.

Samanyala, nagbabala rin si Atty. Lazaro sa mga barangay na hindi nila sakop ang pagdinig at paglutas sa kaso ng pang-aabuso dahil ito ay maituturing na grave offense o heinous crimes kayat dapat nila itong idulog sa kaukulang ahensya upang hindi sila masangkot o mapanagot sakaling iniakyat ang kaso sa korte.