Magsasagawa ng inspction ang matataas na diplomatic at military officials ng United States at Pilipinas sa tatlong US military installations na itinatag sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Northern and Central Luzon ngayong araw.

Hiwalay na lilipad patungo sa Lal-lo airpot at sa Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan si Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner kasama sina US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at US Indo-Pacific Command Admiral John Aquilino para bisitahin ang EDCA sites.

Pagkatapos ng pagbisita sa dalawang EDCA sites sa lalawigan ay tutungo naman ang mga ito sa Basa Air Base sa Pampanga upang inspeksionin ang isa pang nakumpleto nang EDCA site project.

Ang tatlong installations ay bahagi ng siyam na EDCA sites na itinayo ng AFP bilang pansamantalang US facilities para sa prepositioning ng military assets at equipment para sa pagtugon sa emergencies.

Ang anim sa siyam na EDCA sites ay matatagpuan sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, Balabac Island sa Palawan, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Antonio Bautista Air Base in Palawan, Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, at Benito Ebuen Air Base sa Mactan in Cebu.

-- ADVERTISEMENT --

Ang inspection ay paunang hakbang sa nakatakdang Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB) conference sa Camp Aguinaldo na dadaluhan ng US at Philippine military leaders sa September 14.

Ang nasabing hakbang ay kasunod din ng mga insidente sa pagitan ng Chinese at Philippine Coast Guard vessels sa resupply mission sa Ayungin shoal nitong nakalipas na araw ng Biyernes at kasunod ng pulong sa pagitan nina US President Joe Biden at Communist Party chief na si Nguyen Pau Tong na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa paggamit ng puwersa para resolbahin ang dispute sa West Philippine Sea.