Inihayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported rice ay P58 per kilo simula sa January 20.

Sinabi ni Tiu Laurel na layunin nito na mapanatili ang balanse sa pagitan ng business sustainability at kapakanan ng mga consumer at mga magsasaka.

Ayon sa kanya, kailangan na matiyak ang patas at abot-kaya na presyo ng bigas kasabay ng pagtiyak na may kita pa rin sa rice industry.

Sinabi ni Tiu, unang ipapatupad ang MSRP sa Metro Manila.

Ayon sa kalihim, magkakaroon ng buwan-buwan na pag-aaral sa imnplementasyon upang ma-monitor ang maraming factors, kabilang ang global price ng bigas.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na ang itinakdang presyo ay matapos ang masusing konsultasyon sa mga importer, retailers, reice industry stakeholders, government agencies, at law enforcement bodies.

Una rito, sinabi ng DA ang plano na pagpapatupad ng MSRP para sa imported rice upang matugunan ang issue ng alegasyon ng profiteering.