TUGUEGARAO CITY – Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip matapos na mabiktima ng hit and run sa bayan ng Piat, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Police Capt. Gil Pagulayan, hepe ng PNP Piat, na nabali ang kamay at may mga malubhang sugat sa paa ng biktimang si Badong Marasigan, residente sa Barangay Carikitan, Conner, Apayao.

Hirap naman ngayon ang pulisya na matukoy ang sasakyang nakabundol sa biktima sa bahagi ng Barangay gumarweng dahil walang nakakita sa pangyayari.

Gayonman, sinabi ni Pagulayan na posibleng motorsiklo ang nakabundol sa biktima dahil sa narekober na helmet sa lugar subalit maaari din namang isang malaking sasakyan kung pagbabasehan ang tinamo nitong sugat.

Nabatid na ito na ang pangalawang beses na nasagasaan ang biktima na isang ulilang lubos matapos na makawala sa mga nag-aalaga sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --