Miyembro umano ng sindikato ang suspindidong alkalde ng Bamban Tarlac na si Alice Guo ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesman Winston John Casio

Ayon kay Casio, lumilitaw sa patuloy nilang pagsisiyasat na si Guo ay responsable sa iligal na operasyon ng Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban at Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na sinalakay mga awtoridad.

Sinabi ni Casio na ang dalawang POGO hubs ay pinaghihinalaang sangkot sa iba’t ibang criminal activities.

Bagamat dating incorporator ng Baofu compound si Guo kung saan nakatayo ang Zun Yuan Technology, naniniwala silang may ‘basbas’ at sangkot ito sa operasyon ng POGO hub.

Samantala, pinaalalahan naman ng PNP ang mga police officials sa pagtanggap ng mga donasyon mula sa ilang indibiduwal.

-- ADVERTISEMENT --

Ang paalala ay ginawa ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo kasunod ng report na nag-donate si Guo ng ilang kagamitan sa Bamban Police Station noong hindi pa ito alkalde.

Ani Fajardo dapat na alamin ng mga pulis ang background ng isang donor.