TUGUEGARAO CITY-Kulang na kulang ang mga manggagawang nasa permanent position upang tugunan at mapagtagumpayan ang mga proyekto ng Baggao, Cagayan.
Ito ang pahayag ni Mayor Joan Dunuan ng Baggao, kasunod nang pagkwestyon ng mga miembro sanguniang bayan sa dami ng bilang ng kanilang mga job orders.
Ayon kay Dunuan, sa ngayon ay nasa 70 hanggang 80 ang kanilang mga manggagawang J.O na karamihan ay nasa MENRO o Municipal Environment and Natural Resources Office.
Aniya, nagdagdag ang kanyang opisina ng mahigit 30 forest rangers bilang pagtugon sa kanyang pangunahing adbokasiya na pangalagaan ang inang kalikasan.
Kaugnay nito, sinabi ni Dunuan na muling gagawa ng resolusyon ang kanyang opisina para hilingin na gawing 150 hanggang 180 ang kanilang mga manggagawang job order kasama na ang mga LGU-teachers.
Umaasa naman ang alkalde na susuportahan at aaprubahan ito ng mga miembro ng SB.