Tuguegarao City- Pinawi ni Mayor Joanne Dunuan ng Baggao ang pangamba ng mga residente sa kanilang bayan matapos nakapagtala ng 4 na kaso ng COVID-19 confirmed patients sa kanilang bayan.
Sa panayam sa alkalde, walang dapat ipag-alala dahil idiniretso sa mga isolaliton facilities ang mga pasyente matapos makarating sa probinsya.
Aniya, hindi inuwi ang mga pasyente sa kanikanilang mga barangay at hindi nagkaroon ng pakikisalamuha sa ibang mga residente sa Baggao.
Dahil dito ay hindi naman kailangan ang magdeklara ng lockdown sa mga barangay ng mga pasyente.
Giit pa ng alkalde na nagpsoitibo ang mga LSIs sa rapid test kaya’t isinailalim na sila sa mandatory quarantine at kinuhanan ng swab test na nagkumpirmang positibo nga sila sa virus.
Sinabi niya na pawang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) galing metro manila ang mga nagpositibo sa kanilang lugar.
Tiniyak naman ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards sa lugar upang maiwasan ang pagkalat ng virus.