Mayor Joan Dunuan

TUGUEGARAO CITY-Inoorganisa at tinitiyak na umano ng bagong halal na alkalde ng Baggao, Cagayan ang kahandaan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office(MDRRMO)Baggao dahil papalapit na naman ang panahon ng kalamidad tulad ng bagyo.

Ayon kay Mayor Joan Dunuan ng Baggao, isa ang kanilang bayan sa naitatalang may malaking pinsala sa tuwing may tumatamang bagyo sa probinsiya kung kaya’t nararapat lamang na tiyakan ang kanilang kahandaan.

Aniya, mayroon umanong apat na team ang kanilang binuo na tututok sa bawat barangay sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Dunuan na napalitan na rin umano ang pangalan ng baggao rescue sa 1127 mula sa 116 na kinuha sa petsa ng founding anniversary ng Baggao.

ang tinig ni mayor Joan Dunuan

Plano rin umano ni Dunuan na magpatayo ng 24/7 na clinic lalo na sa mga malalayo sa mga ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, layon umano nito na mabigyan ng paunang lunas ang mga pasyente lalo ang mga itinatakbo tuwing gabi.

tinig ni mayor Joan Dunuan

Samantala, ibinahagi din ni Dunuan ang isa sakanyang adhikain na makapagtanim ng 1 bilyong seedlings sa mga kabundukang sakop ng Baggao bago matapos ang kanyang termino.

Aniya,kailangan mabigyan ng aksyon ang unti-unting pagkawala ng mga kahoy sa baggao kung kaya’t nararapat lamang na mabigyan ng solusyon.

tinig ni Mayor Joan Dunuan

Inihayag pa ni Dunuan na plano rin umano niyang i-adopt ang “Peoples Day” ng lungsod ng Tuguegarao para mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa liblib at limitado lamang na makatanggap ng tulong kung saan tatawagin umano niya itong “Taripnong”.