Umapela ngayon ang alkalde ng bayan ng Baggao sa mga natitirang miyembro ng New Peoples Army (NPA) at mga supporters nito na magtiwala sa pamahalaan at samantalahin ang pagkakataon na magbalik loob sa gubyerno.

Ang apela ay ginawa ni Mayor Joan Dunuan matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa pagdududa umano ng ilang miyembro ng makakaliwang grupo na magbalik loob sa pamahalaan.

Bahagi ng pahayag ni Baggao Mayor Joan Dunuan

Ayon kay Dunuan, bukod sa national government ay ginagawa ng LGU ang makakaya nito para matulungan ang mga residente sa mga malalayong lugar lalo na ang mga lugar na mayroong impluwensiya ng NPA.

Sa katunayan, isinusulong ng alkalde ang pagkakaroon ng livelihood program sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga mamamayan na makasali sa agro-forestry farming.

May kaugnayan aniya ito sa kaniyang ‘1 billion tree program’ para matugunan ang mga problema dulot ng pagkakaingin sa bayan ng Baggao.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng pahayag ni Baggao Mayor Joan Dunuan

Kasabay nito, inihayag ng alkalde na mayroon pang mga NPA supporters ang magbabalik loob sa pamahalaan sa mga susunod na araw kasunod ng pagtalikod ng suporta sa mga rebelde ng ilang residente sa Brgy. Asinga- Via.

Dagdag pa niya na tinututukan din ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) task force ang iba pang Brgy na mayroong impluwensiya ng NPA tulad ng Carupian, Hacienda at Bunugan.

Bahagi ng pahayag ni Baggao Mayor Joan Dunuan