Ipinaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso ng pagproklama sa mga nanalong kandidato pagkatapos ng halalan.
Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang pagtataas ng kamay ng mga nanalong kandidato ay symbolic at ceremonial lamang, habang ang legal na proseso ay kung ang certificate of canvass and proclamation ay pinirmahan at inisyu ng board of canvassers sa lokal man o national board ay nangangahulugan na naiproklama na ang kandidato.
Sagot ito ni Laudiangco sa tanong kung kailangan ba na dumalo ng personal si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang proklamasyon matapos siyang manalo bilang mayor ng Davao City.
Sinabi ni Laudiangco, hindi kailangan na physically present ang sinomang kandidato sa proclamation ceremony.
Ipinaliwanag pa ni Laudiangco na ang hurisdiksion ng Comelec sa mga nanalong kandidato ay ipropklama ang mga ito at wala na sa kanilang kontrol kung ang isang nakakulong na mayor-elect ay uupo sa kanilang pwesto.
Si Duterte ay nakakulong sa detention center ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.