Naiproklama na si incumbent mayor jefferson soriano kagabi bilang muling alkalde ng Tuguegarao City.

Ito ay matapos na makakuha ng 43,001 votes habang 23,799 naman sa kanyang katunggali na ti dating mayor Delfin Ting.

Kasama rin na naiproklama ang mga nanalong councilors na sina Maila Ting,Claire Callangan,Gilbert Labang,Danny Baccay,Ronald Ortiz,Arnel Arugay,Marj Martin, Wynoco Abraham,Grace Arago, Moon Guzman,Karina Guaini, Victor Herbert Perez.

Samantala,uupo muli bilang gobernador ng lalawigan ng Cagayan si Manuel Mamba, matapos na makakuha ng pinakamaraming boto 244,772 batay sa 95.80 percent na nabilang ng mga boto ng Commission on Elections.

-- ADVERTISEMENT --

Nakakuha naman ng 163,688 si Congressman Randy Ting habang 88,313 si dating governor Alvaro Antonio.

Lamang naman si Jojo Lara sa pagkakongresista sa third district ng Cagayan kontra sa kanyang katunggali na si Nancy Ting, maybahay ni Congressman Randy Ting.

Nangunguna naman si Sam Vargas Alfonso sa pagkakongresista sa 2nd District kontra kanyang tiyuhin na si Melvin Vargas Sr.at Sacramed Darwin.

Wala namang naging kalaban si Ramon Nolasco Jr. bilang congressman ng 1st district.

Samantala,sa assessment ng mga otoridad, sa kabuuan ay naging payapa ang katatapos na halalan sa lalawigan ng Cagayan.