
TUGUEGARAO CITY- Maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano laban sa
desisyon ng Sandiganbayan na nagsasabing guilty siya kasama ang limang iba pang dating opisyal ng PNP
sa kasong katiwalian.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umanoy maanomalyang pagbili ng P131.5 milyon na halaga ng mga depektibong
rubber boats noong 2009.
Iginiit ni Mayor Soriano na dumaan sa public bidding ang pagbili sa mga rubber boats subalit
maituturing na emergency procurement ang nangyari dahil sunud-sunod noon ang mga bagyong nanalasa sa
bansa tulad ng ‘Ondoy’.
Sa naturang bidding process ay nakatipid pa aniya ang pamahalaan ng P54 milyon.
Ang problema lamang aniya, nang mai-deliver na ng supplier ang naturang rubber boats ay wala itong
kasamang adaptor kung kaya hindi ito nagamit para sa disaster effort ng PNP.
Gayunman, sinabi ni Soriano na trabaho ng ibang komite ang tumingin sa delivery process at hindi ang
pinamumunuan nitong Bids and Awards Commitee.
Mayroon naman aniyang 15-araw si Soriano para magsumite ng motion for reconsideration tungkol sa
guilty verdict ng Sandiganbayan.




