TUGUEGARAO CITY- Masaya si Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City dahil sa wala nang positive, suspected at probable case ng covid-19 sa lungsod.

Gayonman, binigyan diin pa rin niya na hindi ito nangangahulugan na magkampante na sa halip ay iginiit niya na umiiral pa rin ang Enhanced Community Quarantine.

Nangangahulugan ito aniya na kailangan pa rin na manatili sa mga bahay upang matiyak na mapanatili sa kasalukuyang sitwasyon sa lungsod at wala nang mahahawa o magpopositibo sa nasabing sakit.

Idinagdag pa ni Soriano na pananatilihin pa rin ang social distancing at iba pang hakbang laban sa covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, mariing pinabulaanan ni Soriano ang mga impormasyon na magpapatupad sila ng total lockdown bukas.

Binigyan diin ni Soriano na huwag maniwala sa mga sabi-sabi at sa halip ay makinig lamang sa mga abiso ng mga kinauukulan at ng City Information Office.

ang tinig ni Mayor Soriano

Samantala, sinabi ni Mayor Soriano na 17 barangays na ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Amelioration Program Fund ng pamahalaan.

Bukod dito, sinabi ni Soriano na kasalukuyan na ang repacking ng mga relief goods na ikalawang batch ng ibibigay sa lahat ng households sa lungsod.

Sinabi ng alkalde na lahat ng bahay ay mabibigyan na ng relief goods upang wala ng reklamo.

Ang ikatlong batch naman ng pamamahagi nila ng relief goods ay tig-10 kilo ng bigas sa bawat tahanan.

Kasabay nito, umapela si Soriano sa bawat resident ng lungsod na itanim ang ipinamigay na vegetables seeds ng City Agriculture Office upang ito ay mapakinabangan.