Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano steps down from office. Photo by Raymon Dullana/Rappler
Mayor Jefferson Soriano

TUGUEGARAO CITY-Tiniyak ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City na mabibigyan ng relief goods ang nasa 41,000 pamilya sa lungsod habang nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon dahil sa Coronavirus disease 2019 (covid-19).

Ayon kay Soriano, kasalukuyan na ang kanilang pagre- repack at sa katunayan ay una ng nabigyan ng tulong ang ilang barangay sa lungsod.

Ngunit, pansamantala lamang naudlot ang pamamahagi ng tulong dahil inuuna na ng mga Barangay Officials ang distribution ng SAP form o Social Amelioration program ng department of Social welfare and development (DSWD).

Huwag rin umanong sisihin ang mga barangay officials kung hindi mabibigyan ng SAP form dahil mahigpit ang ibinigay na guidelines ng DSWD na siyang sinusunod lamang ng mga opisyales.

Tinig ni mayor Jefferson Soriano

Dumating na rin ang 12 decontamination tent na ilalagay sa mga satellite market maging sa mga ospital sa lungsod kontra sa virus.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Mayor Jefferson Soriano

Sang-ayon naman ang alkalde na i-extend ang luzon quarantine para masugpo ang covid-19.

Kasabay nito, muling hinimok ni Soriano ang mga residente na uuwi sa lungsod mula sa kalakhang Maynila na makipag-ugnayan sa kanila para agad dadalhin sa mga itinakdang quarantine facility at huwag nang magtutungo sa kanilang tahanan.