TUGUEGARAO CITY-Nagnegatibo na sa pangalawang swab test ng coronavirus disease 2019 (covid-19)si Mayor Carmelo Villacete ng Piat, Cagayan.
Inanunsyo mismo ito ng alkalde gamit ang kanyang social media account kung saan lumabas aniya sa isinagawang re-test na negatibo na siya sa naturang virus.
Dahil dito, labis ang kanyang pasasalamat sa mga nagdasal at mga duktor na umasikaso sa kanya habang nasa pagamutan.
Matataandaan, Marso 2 , 2020, nang kumpirmahin din mismo ng alkalde na siya’y nagpositibo sa virus matapos magkaroon ng travel history sa kalakhang Maynila.
Kinumpirma naman ito ni Dr. Glenn Matthew Baggao , medical chief ng Cagayan Valley Medical center (CVMC) na kaninang umaga, Marso 4, 2020 dumating ang pangalawang swab test ng alkalde kung saan negatibo na sa covid-19.
Kaugnay nito, anumang oras ay maaari na umanong lumabas ang alkalde sa naturang pagamutan.
Samantala, ayon kay Dr. Baggao na nagnegatibo na rin sa covid-19 ang tatlong pui o persons under investigation sa cvmc.
Dahil dito,sinabi ni Dr. Baggao na wala ng PUI sa pagamutan.