Former Vice Mayor Joan Dunuan-Baggao,Cagayan

TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni dating Vice Mayor Joan Dunuan,mayoralty candidate sa Baggao,Cagayan na tuloy ang kanyang kandidatura sa kabila ng pagdiskualipika sa kanyang kandidatura ng Commission on Elections First Division.

Sinabi ni Dunuan na naghain na siya ng Motion for Reconsideration sa COMELEC First Division at apela sa COMELEC En Banc sa kanyang disqualification case.

Idinagdag pa ni Dunuan na kung sakali man na ibabasura ang kanyang MR at papabor naman ang En Banc ay iaakyat niya ito sa Supreme Court.

Sinabi ni Dunuan na nagulat siya sa nasabing desisyon kung saan naging basehan dito ay mayroon umano siyang misrepresentation sa kanyang Certificate of Candidacy.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay matapos na nakasaad sa kanyang COC na wala siyang kaso na nadesisyonan na at ito at final and executory.

tinig ni Dunuan

Nlinaw din ni Dunuan na walang katotohanan ang mga sinasabi ng ilan na kung sakali man at siya ang manalo ngayong halalan ay hindi siya makakaupo sa pwesto.

Ayon sa kanya,uupo pa rin siya habang wala pang pinal na desisyon ang kanyang kaso na magmumula sa Supreme Court.

Matatandaan na tinanggal sa serbisyo si Dunuan noong October 2017 noong siya ang nakaupo na vice mayor ng Baggao matapos siyang hatulan ng Civil Service Commission sa kasong serious dishonesty at maraming bilang falsification of public documents dahil sa pememeke umano ng kanyang dailty time record o DTR noong empleado pa siyang LGU.